Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
BRIGADA

Mga makasaysayang simbahan sa Pampanga, bibisitahin ng Brigada ngayong Sabado!


BRIGADA
Airing date: April 23, 2022


LONG RIDE NA!
Malaking tulong sa pag-unwind at pag-relax ng ating mga isipan mula sa stress ang mga long ride gamit ang motorsiklo. Ibang klaseng pakiramdam daw kasi ang hatid ng pagbiyahe sa iba't ibang lugar gamit ang dalawang gulong. At ngayong katatapos lang ng semana santa, malamang marami rin ang nakaisip na mag-motor para pumunta sa iba't ibang mga simbahang matatagpuan sa mga kalapit-probinsya ng Metro Manila. Gamit ang kanyang motorsiklo, nilibot ni Kara David ang kanyang hometown na Pampanga para ipasyal tayo sa mga makasaysayang simbahang matatagpuan sa kanilang probinsya.


Long rides on a motorcycle help in relaxing our minds from stress. Traveling to different places with two wheels also brings a different kind of freedom.

Last Holy Week, many have most likely spent the past few days riding their motorbikes to go to various churches located in the neighboring provinces of Metro Manila. Using her motorcycle, Kara David toured her hometown of Pampanga to visit some of the historic churches located in her province.

 

 

 
 
LUNOD
Viral sa social media ang video ng isang lalaking pilit inire-revive matapos malunod sa nilanguyan niyang ilog sa Pangasinan. Ito ang peligrong laging dapat antabayanan sa tuwing lalabas tayo para mag-outing o swimming lalo na ngayong mainit ang panahon. Inalam ni Katrina Son ang mga bagay at hakbang na dapat tandaan kung sakaling maharap tayo sa sakuna sa gitna ng ating pagbabakasyon sa mga resort at beach.

The video of a man being revived after drowning in a river in Pangasinan went viral on social media. Safety is something that we must always look out for whenever we go out for an outing or swimming..

Katrina Son finds out the steps to keep in mind in case we face a similar emergency in the middle of our vacation at resorts and beaches.
 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.


Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.