‘Kukak boys,’ palaka ang minu-mukbang? Abangan sa Brigada!
BRIGADA
Airing: March 12, 2022
LOVE IN THE TIME OF WAR
Mahigit tatlong taon nang naninirahan sa bansang Ukraine ang tutor na si April. Tahimik siyang namalagi rito matapos mapangasawa ang Ukrainian niyang kabiyak na si Vasyl. Pero natuldukan ang katiwasayang ito nang biglang lusubin kamakailan ng Russia ang Ukraine kung saan isa si April sa milyun-milyong mga sibilyang naiipit ngayon sa giyera. Sa halip na lumikas pabalik sa Pilipinas, mas pinili ni April na manatili sa Ukraine dahil hindi niya magawang iwan ang kanyang asawa. Nasaksihan ni Victoria Tulad ang tibay ng pagmamahalan at samahan nina April at Vasyl kahit pa nasa gitna ng digmaan.
April has been living and teaching in Ukraine for more than three years, eventually finding the love of her life and marrying her Ukrainian husband Vasyl.
But their peaceful life abruptly came to an end when Russia suddenly invaded Ukraine, leaving them in the middle of war. Instead of fleeing back to the Philippines, April chose to take the risk and stay by her husband’s side.
Victoria Tulad witnesses how love blossoms in the midst of the war.
Dahil sa unti-unting pagbaba ng mga kaso ng Covid-19, kasabay ding nagbubukas ang iba't ibang tourist destinations na matagal ding natengga dahil sa pandemya. At isa raw sa mga must-try na outdoor activity ngayon ang car camping! Isa itong uri ng camping kung saan maaari mong madala ang iyong kotse sa mismong campsite kung saan ka puwedeng magtayo ng tent na iyong tutulugan! Mas mainam daw itong uri ng camping kaysa sa backpacking dahil ang mga malalaking kagamitan tulad ng kalan at cooler ay hindi mo na kailangang pagkasyahin sa iisang bag lang, dahil maaari mong ikarga na lang ito sa loob ng iyong sasakyan! Car camping ang destinasyon ng pinakahuling road trip ni Nelson Canlas sa Tanay, Rizal, na naging mas memorable dahil kasama niya rito ang isang sorpresang Kapuso celebrity!
The decreasing number of Covid-19 cases in the country is paving the way for tourist destinations to reopen and rise from the effects of the pandemic. One of the must-try outdoor activities today is car camping! It is a type of camping where you can take your car to the campsite itself! For some, this type of camping is better than regular backpacking because you don't have to worry about fitting large equipment such as stoves and coolers in just one bag. Nelson Canlas tries out car camping in Tanay, Rizal, which becomes even more memorable because of a surprise Kapuso celebrity!
KUKAK BOYS
Sikat na sikat ngayon online ang mukbang videos kung saan walang ibang ginagawa ang vlogger kundi kumain lang sa harap ng camera, at kadalasang nilalantakan nila rito ang mga pagkaing tila nakabubusog na kahit sa unang tingin pa lang. Sa Santa Catalina, Negros Oriental, isang grupo ng magbabarkada ang nakaisip mag-upload ng videos sa Tiktok kung saan ang kanilang main dish, mga palaka! Ang tawag nila sa kanilang grupo -- Kukak Boys! At ang pinakamabentang content sa kanilang channel, ang pagkain nila ng mga palakang sila mismo ang nanghuhuli at nagluluto! Ipinakita nila kay Kara David ang behind the scenes ng paggawa ng isang Kukak Boys video.
Mukbang videos are very popular online, where the vlogger does nothing but indulge in food in front of the camera, often featuring cuisines that are visually appealing. In Santa Catalina, Negros Oriental, a group of friends thought of uploading videos in Tiktok where they show themselves eating a bunch of frogs! They call themselves Kukak Boys because of their best-selling content which features catching, cooking, and eating frogs! They give Kara David an exclusive behind the scenes look on how a “Kukak Boys” video is made!
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.#