Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Iba’t ibang wedding bloopers, itatampok sa Brigada!


 


BRIGADA
Airing: January 22, 2022
 


WEDDING BLOOPERS
Minsan lang mangyayari sa buhay natin ang kasal, kaya naman hindi birong paghahanda ang isinasagawa ng mga magkasintahan bago ang nakatakda nilang pag-iisang dibdib. Pero gaya ng lahat ng bagay sa buhay, wala namang perpekto, kaya hindi maiiwasang magkaroon ng iba't ibang aberya at bloopers sa mismong araw ng kasal. Tulad na lang ng isang bride na sa kalagitnaan ng kanilang beauty shots kasama ang bridesmaids, napahalik sa lupa matapos matisod sa suot na wedding gown! Viral din online ang isang wedding video kung saan ang groom naman ang tila kinabahan dahil sa tradisyunal na subuan ng cake ng bagong mag-asawa, imbes na isubo sa kanyang bride ang bagong-hiwang cake, siya na mismo ang kumain nito! Iba't ibang viral wedding bloopers at nakakakilig love stories ang ihahatid sa atin ni Darlene Cay.

Couples go through meticulous planning to prepare for their most-awaited wedding day. But like everything in life, nothing is perfect, so it is inevitable to have various glitches and bloopers on the wedding day itself. Just like a bride who fell on the ground in the middle of her beauty shots with the bridesmaids! Another wedding video went viral where the groom mistakenly ate a slice of the cake that he was supposed to give to his bride! Darlene Cay checks out various wedding bloopers and the love stories behind these.

 

 
 
DOCS AT YOUR SERVICE
Matapos ang pag-asang muli na tayong makababalik sa normal nating buhay, saka naman umusbong at kumalat ang omicron variant. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo naramdaman ang epekto nito, kabilang na ang mga mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos na hindi nakaligtas sa bagsik ng pandemya.  Sa bahaging ito ng mundo, isang Pinay na doktor ang nag-aalay ng kanyang libreng serbisyo para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan doon na hindi naaabot ng tulong. Sa pamamagitan ng binuo niyang US Mobile Care Group, nililibot ni Dr. Jona Jane Tajonera ang iba't ibang lugar sa New York para magbigay ng libreng antigen at RT-PCR tests sa mga taong nangangailangan nito. Dito naman sa Pilipinas, Tiktok ang naisip na paraan ni Dr. Francis Carlos, o Doc Cis sa kanyang followers, para maabot ang maraming tao at mabigyan ng tamang impormasyon sa paglaban natin sa Covid-19. Nakilala ni Kara David ang ilan sa mga dakila nating frontliners na gumagawa ngayon ng paraan para makapagserbisyo sa mas nakararami.

Just when the low Covid 19 cases gave us hope that we could finally return to our normal lives, Covid-19 hit the world with its latest omicron variant. Its impact was felt not only in the Philippines, but across the world, including rich countries like the United States.

In this part of the world, a Filipina doctor offers her free services to meet the needs of the people who do not have access to medical help. Through the US Mobile Care Group that she formed, Dr. Jona Jane Tajonera visits various places in New York to provide free antigen and RT-PCR tests to people who need it most. Here in the Philippines, Dr. Francis Carlos, or Doc Cis to his followers, uses Tiktok as a way to reach out to more people, and provide accurate information on our fight against Covid-19. Kara David meets some of our great front liners who explore the social media platform to serve the public.
 

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.#