Lalaki, nagpalagay ng permanenteng tattoo sa bumbunan? Abangan sa Brigada!
BRIGADA
Airing: January 15, 2022
TATTOO
Ang buhok ang itinuturing na crowning glory ng isang indibidwal. Bukod kasi sa mukha, isa ito sa mga bahagi ng katawang unang napapansin sa atin ng ibang tao. Pero para sa ilang may taglay na kondisyong medikal, hindi posible ang pagpapanatili ng makapal na buhok. Bilang alternatibo, maaari silang sumailalim sa scalp micropigmentation o ang paglalagay ng permanenteng tattoo sa bumbunan. Tattoo rin ang nagsisilbing marka para sa ilan ng mga pinakamahalagang pangyayari sa kanilang buhay. Ibinahagi rin ni Joseph Morong ang ilan sa mga tattoo na makikita sa kanyang katawan, at kung ano ang kahulugan ng bawat isa sa mga ito.
Hair is considered the crowning glory of an individual. Apart from the face, it is one of the first parts of the body that other people notice. But for some with medical conditions, maintaining hair is simply impossible. Alternatively, they can undergo scalp micropigmentation or the placement of a permanent tattoo on the forehead. Tattoos also mark some people’s most important battles. Joseph Morong also shares some of his tattoos and what each of them means.
Nagbigay ng inspirasyon ang viral photo shoot ng 22 anyos na si Claire noong Disyembre. Dito, larawan ng isang matatag na ina ang nakita ng madla dahil ang photo shoot na orihinal sanang nakatakda para sa pre-wedding nila ng nobyo niyang si Kenneth, itinuloy na lang ni Claire bilang isang solo maternity shoot matapos pumanaw ang kanyang makakabiyak dahil sa isang sakit. Isang buwan matapos naming maitampok ang kanyang kuwento, isinilang na ni Claire ang kanilang supling. Kinumusta ni Kara David ang kalagayan ng viral solo mom na si Claire at kung paano siya nagsisimulang muli.
The viral photo shoot of 22-year-old Claire in December inspired the netizens. She was a symbol of a strong mother, whose photo shoot was originally set for the pre-wedding with her boyfriend Kenneth. Unfortunately, Claire just pushed through with the pictorial as a solo maternity shoot after Kenneth passed away due to a disease. A month after we featured her story, Claire gave birth.
Kara David catches up with viral solo mom Claire to talk about hope and new beginnings.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.