Mahigit 20 aso, tila nakakulong sa isang abandonadong bahay? Abangan sa Brigada!
January 8, 2022 airing
Mahigit dalawampung aso ang tila presong nakakulong sa isang abandonadong bahay. Dahil walang nag-aalaga sa mga ito, nagdudulot ito ng perwisyo sa mga komunidad. Bukod kasi sa mga naipong dumi sa loob ng halos isang taon, nakadaragdag sa sangsang sa paligid ang mga nagkamatay nang mga aso dahil sa gutom. Inalam ni Kara David kung may pag-asa pa nga bang mailigtas ang mga kawawang asong ito.
More than twenty dogs seem to be imprisoned in an abandoned house. Since no one looks after them, it causes a great inconvenience to the nearby houses. In addition to the wastes that have accumulated for almost a year, dogs that have died of starvation add to the stench. Kara David finds out if these poor dogs will eventually be rescued from their misery.
Sa Tagkawayan, Quezon, isang trolley ang bumabaybay sa kahabaan ng riles. Pero imbes na mga pasahero, ang lulan nito, isang mini-classroom on wheels! Ito ang Padyak Pabasa, isang proyekto ng mga volunteer Grade 12 students na layong makatulong sa edukasyon ng mga kabataan doon lalo ngayong wala pa ring linaw ang pagbabalik ng face to face classes dahil sa Covid-19. Sumama si JP Soriano sa pagpadyak ng grupo para marating ang mga kabataan ng Tagkawayan.
In Tagkawayan, Quezon, a trolley travels along the railroad tracks. But instead of passengers, it carries a mini-classroom on wheels! This is Padyak Pabasa, a project of volunteer Grade 12 students that aims to help educate the youth especially now that face to face classes remain indefinite because of the recent Covid 19 surge. JP Soriano joins the unconventional classroom that sparks hope.
HULA 2022
Tuwing nagsisimula ang taon, sari-saring mga hula at prediksyon ang naglipana. Ano nga bang kulay ang maswerte? Anong mga sakuna at trahedya ang dapat nating asahan at paghandaan? Para sa ilan, ito ang mabisang batayan para matukoy ang pinakamainam na sandata sa pagharap sa kinabukasan. Pero laging ang kaakibat din nitong katanungan, may katotohanan at basehan nga ba ang mga hulang ito para ating paniwalaan? Ito ang siniyasat ni Mav Gonzales.
Various predictions usually start the new year. What is the lucky color? What disasters and tragedies should we expect and prepare for? For some, this is the most effective basis for determining the best weapon in dealing with the future. But are these prophecies true and justified for us to believe? Mav Gonzales investigates.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.#