Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Mga wais na Pinay sa Amerika, itatampok ng Brigada!


 


WAIS PINAYS SA AMERIKA
Likas na sa mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Kaya naman kahit saang panig ng mundo tayo mapadpad, makakagawa at makakagawa tayo ng solusyon sa anumang sitwasyon na ating kinakaharap. Katulad na lang ng Pinay vlogger sa Florida na si Inday Roning na expert daw sa pagluluto ng mga putaheng from dumpster to table! Si Mommy Jho naman, Pinoy karinderya ang itinayo sa kanilang lugar sa Texas. Ilan sa mga inihahain niya ang mga karinderya classics tulad ng dinuguan, inihaw na pusit, at pansit. Pero mas pina-special daw niya ang kanilang menu dahil sa lechon na sariwa nilang iniluluto kada nagbubukas ng kanilang karinderya! Nakilala ni Saleema Refran ang ilan sa mga wais Pinays in America!

 

 

BEAUTIFUL BRAIN

Dahil sa pagkakaroon ng tumor sa utak ng 32 taong gulang na gurong si April, kinailangan niyang sumailalim sa operasyon na kung tawagin ay awake craniotomy. Sa operasyong ito, kailangang matanggal ang namumuong bukol sa utak. Pero hindi ito ordinaryong operasyon, dahil habang inooperahan si April, gising siya at tumutugtog pa ng flute! Ayon sa mga doktor na nagsagawa ng operasyon, kailangan daw itong gawin para matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kanyang utak, lalo pa't lubhang sensitibo ang bahaging ito ng ating katawan. Kinumusta ni Kara David si April matapos ang pinagdaanan niyang pambihirang operasyon.

 


MOMMY ORGANIZER
Kung organizing tips at motivation ang kailangan, sagot na tayo diyan ng vlogger na si Connh Cruz na mas kilala bilang The Modern Nanay ng kanyang mahigit 600,000 followers sa Facebook! Madalas kasing laman ng mga ipino-post niyang videos ang iba't ibang diskarte at practical tips kung paano haharapin at aayusin ang ating mga gamit sa bahay para maging instagrammable! Sa tulong ni The Modern Nanay at Mariz Umali, isang maswerteng mommy ang hands-on na mabibigyan ng organizing masterclass!

 


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

Tags: brigada