Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Kili-kili problems, engkwentro sa buwaya at babaeng walang sweat glands, abangan sa Brigada!


BRIGADA
JULY 3, 2021

ARMS UP!
Bagamat hindi kadalasang nakikita tulad ng ating mukha, malaki rin ang pagpapahalaga ng karamihan sa bahaging ito ng ating katawan -- ang kili-kili. Paniwala kasi ng ilan, repleksyon ito ng kalinisan sa katawan ng isang tao. Kaya naman kung anu-ano na ang naisipan ng ilan na ipahid at ilagay sa kanilang kili-kili para mapanatili itong maputi. Pero ayon sa ilang eksperto, hindi ito totoo dahil ang maitim na kili-kili, maaaring indikasyon o sintomas daw ng iba pang kondisyon. Nakilala ni Saleema Refran ang ilang out and proud sa kanilang maiitim na kili-kili.

 


SI A'PO NG TAWI-TAWI
Sa probinsya ng Tawi-tawi, pinangingilagan ang isang uri ng hayop na nambibiktima raw ng mga residente sa lugar. Sa katunayan, mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyan, umakyat na sa 15 ang bilang ng mga kaso ng engkwentro ng mga tao at buwaya sa probinsya, kung saan isa ang namatay nitong nakaraang buwan lang. Sa kabila nito, malaki pa rin ang kanilang respeto sa mga buwaya o si a'po kung kanilang tawagin, na malaki ang bahagi sa kanilang kultura. Siniyasat ni Mariz Umali ang mga naging kaso ng pag-atake ng buwaya sa Tawi-tawi.

 


SA LIKOD NG KOLORETE
Tulad ng ilang nagdadalaga, nahihilig sa pagse-selfie at pagpo-post sa social media ang labingtatlong taong gulang na si Lendsie. Pero sa likod ng kanyang mga ngiti, nagkukubli ang kanyang kondisyong halos buong buhay na niyang dinadala. Si Lendsie kasi, mayroong Anhidrotic Ectodermal Dysplasia o AED, isang kondisyon kung saan apektado ang kanyang mga ngipin, buhok, at ang pinakainiinda niya, ang kawalan ng sweat glands. Bukod sa pagiging banta sa kanyang kalusugan, dahilan din ito para maging tampulan siya ng pangungutya. Inalam ni Kara David ang mga pagsubok na pinagdaraanan ni Lendsie.

 


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 8:35 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

 

Tags: brigada