Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

First Yaya star Sanya Lopez, handa na nga bang pasukin ang pagiging beauty queen? Alamin ngayong Sabado sa Brigada!


BRIGADA
JUNE 19, 2021

FIRST YAYA

Dahil sa kanyang masayahin at mapagmahal na karakter, marami ang nagmamahal ngayon sa aktres na si Sanya Lopez sa pagganap niya bilang si Yaya Melody sa Kapuso serye na First Yaya. Marami ang humanga kay Sanya dahil bukod sa galing niya sa pag-arte, kapansin-pansin din ang angkin niyang ganda na tiyak na pasaong-pasado raw sa mundo ng mga beauty pageant! Inalam ni Nelson Canlas kung handa na nga ba si Sanya Lopez na pasukin na rin ang pagiging isang beauty queen.

 

 

 
 
BANAKON
Sa probinsya ng North Cotabato, kaliwa't kanan ang pagsulpot ng mga king cobra o banakon kung tawagin sa lugar. Kung minsan, umaabot ang haba nito sa tatlong metro o higit pa, at may mga pagkakataon ding may mga natutuklaw nito. Ngunit dahil napapadpad sila sa mga kalsada, sakahan, at iba pang mga lugar na pinaglalagian ng mga tao, hindi maiwasang mapatay sila ng mga residente para na rin makaiwas sa matindi at nakamamatay na kamandag na taglay nito. Siniyasat ni Raffy Tima kung ano nga ba ang dahilan ng tila sunod-sunod na paglabas ng mga banakon sa North Cotabato.
 
 
 

ONLINE ALBULARYO
Albularyo ang takbuhan ng mga nabibiktima ng mga hindi maipaliwanag na karamdaman. Isa sa mga suki ng mga nakukulam at sinasapian ang manggagamot na si Maestro Lamuroc Milam na madali na lang daw mahanap ngayon dahil sa ginagawa niyang pag-aalok ng kanyang serbisyo online. Sa pamamagitan ng Facebook page ng itinuturing na online albularyo, ipino-post niya ang mga video ng isinasagawa niyang divine healing, na siya naman ding nagiging dahilan para dagsain siya ng mga libu-libo niyang followers online na naghahanap ng solusyon sa kanilang mga problemang ispiritwal. Nasaksihan ni Kara David kung paano nga ba ginagawa ni Maestro Lamuroc Milam ang kanyang panggagamot online.

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 8:35 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

 

Tags: brigada