Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Brigada

Youtuber-Architect Llyan Austria, bibida ngayong Sabado sa Brigada!


BRIGADA
MAY 22, 2021


BIG BRAIN ARCHITECT
Dahil sa kanyang mga praktikal na "big brain" home improvement tips, patok sa mga netizen ang mga vlog ng arkitektong si Llyan Austria. Sa tuwing nagre-react kasi siya sa mga house tour ng mga sikat na celebrities sa kanyang YouTube channel, sabay na rin niyang naibabahagi sa kanyang viewers ang mga kadalasang do's and don'ts sa pagtatayo o pagre-renovate ng bahay. Bukod sa mga sosyal na bahay, magre-react din sila ni Cedric Castillo, na isa ring licensed Civil Engineer, sa uso rin ngayong "slapsoil" o hampaslupa version ng home renovations.

 


BADAY TAPANG
Hindi kendi o sitsirya ang paboritong papakin ng dalawang taong gulang na si Baday. Ang kanya kasing madalas na nilalantakan, matataba at nagkikislutang mga uok o coconut worms! Masarap daw ito kapag inadobo o ipinrito, pero ang pinakagusto ni Baday -- kainin ito nang hilaw dahil sa manamis-namis daw na lasa nito! Nasaksihan ni Kara David kung paano i-mukbang ni Baday Tapang ang mga nahuhuli nilang uok sa kanilang lugar.

 


CRAZY WEATHER
Kasagsagan na ngayon ng dry season o tag-init dito sa ating bansa, kaya hindi na rin nakapagtataka ang tila araw-araw na pagsipa ng heat index o init ng panahon na nadarama ng katawan ng tao sa mahigit 40 degrees celsius. Kaya naman para sa mga walang aircon, tiis-tiis na lang muna sa pagsilong sa lilim para kahit paano'y makadama ng kaunting ginhawa kahit pa tagaktak na ang pawis dahil sa sobrang init. Pero sa kabila ng nakapapasong init, bakit nga ba may mga napaulat na pag-ulan ng yelo sa ibang bahagi ng bansa? Ipaliliwanag ni Oscar Oida ang kasagutan.

 


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:05 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

Tags: brigada