Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga Filipino actor sa Korean dramas, kilalanin sa 'Brigada'


BRIGADA
December 5, 2020
9:15 PM sa GMA News TV

LUMPIA PARTY
"Good as hell" daw kung ilarawan ng American rapper na si Cardi B ang paboritong lumpia nating mga Pilipino. Kulang naman daw ang Pasko ng Hollywood actress na si Vanessa Hudgens kung walang lumpia sa hapag. Sa sarap at lutong ng Pinoy lumpia, hindi na nakapagtataka kung bakit nahuhumaling dito ang sikat na international celebrities tulad nila. At sa kabila ng paglipas ng mahabang panahon mula ng ituring ng sariling atin ang putaheng ito matapos maipakilala ng mga Tsino, hindi na nagbago ang recipe nito, at sa katunayan ay lalo pang pinasarap kaya naman lagi na itong inihahanda sa bawat handaang Pilipino. Inalam ni Kara David ang kwento sa likod ng maksaysayang lumpia.

 



PINOYS SA KDRAMAS
Marami ang napupuyat dahil sa kaka-binge watch ng Korean drama series o kdramas for short. Ang kanila kasing bentahe, bukod sa kwentong talaga namang nakaka-hook, ang pagbida dito ng mga naggaguwapuhan at naggagandahang Korean actors! Pero hindi lang Korean stars ang umeeksena sa kdramas, dahil may ilan din tayong mga kababayang napasok na ang pag-arte sa mga patok na kdrama hits! Tulad na lang ng ipalalabas pa lang GMA Network na Dr. Romantic Part 2 kung saan nakaeksena ng bida ditong si Lee Sung Kyung ang Pinoy actress na si Cherish Maningat. Sa Arthdal Chronicles naman umeksena ang Pinoy actor at director na si Nash Ang, na lubhang na-impress sa professionalism sa mga bumubuo ng kdrama productions. Ibinahagi nila ang iba pa nilang mga naging karanasan kay Aubrey Carampel.

 

 

 

CELEB RESERVISTS
Ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez ang isa sa mga pinakabagong nadagdag sa listahan ng mga celebrity na piniling maglingkod sa bayan at pumasok bilang military reservist. Panibagong hamon daw ito sa kanya dahil kaiba sa pag-arte sa harap ng camera o pagrampa sa entablado, dito nasusubok daw ang kanyang katatagan sa bakbakang training. Sa kabila nito, mas lalo lang daw nitong napaigting ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang kagustuhang maglingkod sa kanyang mga kababayang nangangailangan. Nakakwentuhan ni Raffy Tima si Winwyn at iba pang celebrity reservists.

 

 

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:15 ng gabi, sa iisang Brigada.

Tags: brigada