Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Travel destinations sa Bulacan, tampok sa 'Brigada'!


BRIGADA
November 14, 2020
9:15 PM sa GMA News TV

DONEKLA IN TANDEM
Nelson Canlas


Siguradong napatawa na tayo ng comedy duo na sina Super Tekla at Donita Nose o mas kilala nating Donekla. Ang kanilang tandem nasubok at napatatag na raw ng panahon. Si Donita Nose, binansagan pang “Pambansang Beshy” ng mga netizen dahil sa kaniyang pagmamalasakit sa kaniyang long-time friend na si Super Tekla. Nakapanayam sila ng ating Ka-brigadang si Nelson Canlas.

 



AROUND THE WORLD IN BULACAN
Kara David


Para sa mga napurnada ang mga out-of-country trip diyan dahil sa pandemya, puwede niyo nang masilip ang ilan sa inyong favorite tourist destination sa mundo na hindi lumalabas ng bansa.  Dahil sa Bulacan pa lang makakapag-around the world ka na sa loob ng isang araw. Pinapayagan na kasi ng lokal na pamahalaang pumasyal ngayon sa kanilang Korean, Parisian at Bali-inspired tourist spots. Nakilala ni Kara David ang mag-asawang mahilig bumiyahe na sina Mark and Joanne. Una nilang pinuntahan ang replica ng sikat na Eiffel Tower ng Paris na matatagpuan sa isang resort sa Norzagaray. Makikita rin dito ang isang replica rin ng sikat na Louvre Museum sa Paris at Statue of Liberty sa Amerika. Samantala sa Bocaue naman, nadiskubre nila ang St. Andrews Kim Taegon Shrine na hawig sa mga lumang istraktura sa Korea. Ang shrine na ito ay itinayo noong 2002 para magsilbing monasteryo para sa Koreanong madre at pilgrims.

 



FOOD TRIP WITH MISS MANILA
Darlene Cay


Hindi man naiuwi ni Alexandra Abdon o si Miss Manila ang korona sa Miss Universe Philippines 2020, winner naman siya sa puso ng mga netizen, dahil sa kaniyang pagiging totoo at kwela. Para mas makilala pa si Miss Manila,  sinamahan siya ng ating Ka-Brigadang si Darlene Cay sa isang food trip sa City of Manila. Una nilang pinuntahan ang ipinagmamalaking Pares Usok ni Mang Jim sa kalye ng Maria Orosa at dumayo rin sila sa China Town para tikman ang Black Chicken Soup na may sibut herbs na pampalakas daw ng katawan at ang soup number 5 naman na may laman na ari ng baka. Sa San Andres naman, dinayo nila ang rest in peace o R-I-P mami na may sangkap ng karne ng baka, ox brain at chicharon. Ayon kay Miss Manila ang natutunan niya sa pageant na kaniyang sinalihan ay laging ipakita ang totoong sarili at laging ipagmalaki ang pinagmulan.

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado sa iisang Brigada.

Tags: brigada