Epifanio de los Santos, kilalanin sa 'Brigada'
February 25, 2020
8 pm sa GMA News TV
SA ISANG IGLAP
Hindi inakala ng mga estudyante ng Gen. Pio Del Pilar National High School na sa trahedya mauuwi ang simple lang nilang pagtawid sa isang pedestrian lane sa J.P. Rizal, Makati. Ikinasawi ng isa at ikinasugat ng pitong iba pa ang pagsagasa ng humahagibis na jeepney sa mga tumatawid na estudyante. Buhay naman ng isang mag-ina ang nawala nang salpukin ng isang rumaragasang trak ang ilang establisimyento sa kahabaan ng Quirino Highway sa San Jose del Monte, Bulacan. Sa dalawang kasong ito, parehong nagpositibo sa drug test ang dalawang nahuling drayber. Inalam ni Saleema Refran kung epektibo pa rin ba ang mga umiiral na batas trapiko’t imprastraktura para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga pedestrian sa lansangan.
SINO NGA BA SI EDSA?
Kilala natin ngayon ang EDSA bilang kalsada sa Metro Manila na walang katumbas kung matinding traffic ang pag-uusapan. Kahit pa 23.8 na kilometro lang ang haba nito, tiyak nga raw na dito ka makatatagpo ng forever mo! Pero sa kabila ng tila masama nitong naging reputasyon, mayaman sa kasaysayan ang kalsadang ito dahil bukod sa dito isinilang ang People Power Revolution noong 1986, ipinangalan ito sa tanyag na henyo at itinuturing na “first Filipino academician” na si Don Panyong o Epifanio de los Santos na malaki ang naiambag sa kasaysayan. Tinunton ni Victoria Tulad ang mismong mga kamag-anak ni Don Panyong para mas makilala ang taong nasa likod ng pangalang EDSA.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.
English:
SA ISANG IGLAP
One student died while seven others were injured after a jeepney hit them while they were crossing a street in Makati. In Bulacan, A 17-year-old mother and her infant were also killed when a 10-wheeler truck ploughed into several houses. Drivers of both accidents tested positive for drug use. Saleema Refran reports on these incidents.
SINO NGA BA SI EDSA?
EDSA is notorious for its killer traffic. Commute in the 23.8-kilometer highway has turned so bad that some commuters have actually found their “forever” while sitting in traffic! Before it became notorious for traffic congestion, 34 years ago, EDSA stood witness to the historic People Power Revolution. EDSA was named after the renowned genius and the “first Filipino academician” Don Panyong, known as Epifanio de los Santos. Victoria Tulad talks to Don Panyong’s descendants to find out more about the man behind EDSA.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the latest issues together with the new generation of reporters this Tuesday, 8:00pm in Brigada.