Estado ng pag-aampon sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Brigada'
February 18, 2020
8 pm sa GMA News TV
AMPON
Sa datos ng DSWD o Department of Social Welfare and Development mula 2009-2019, mahigit pitong libo ang naitalang bilang ng mga batang legally available for adoption. Sa kabila nito, marami pa ring mga mag-asawang hindi magkaanak ang tila nawawalan na ng pag-asa sa pag-aampon dahil sa tagal ng panahon at laki ng gastusin para lang maisakatuparan ang legal na proseso. Kaya naman hindi na rin maiwasan ng ilang kagatin ang mabilisang paraan sa pag-aampon na mahigpit namang ipinagbabawal ng batas. Siniyasat ni Saleema Refran kung ano ang isinusulong na solusyon dito ng ilang mambabatas.
DALAW
Bahagi na ng pagiging babae ang pagtiyak sa kalinisan ng katawan sa tuwing may buwanang dalaw o menstruation. At sa tagal na ng panahon, nakasanayan na ng mga Pilipina ang paggamit ng sanitary pads. Ang hindi nga lang maikakailang epekto nito ay ang dagdag basurang nalilikha nito na nakasasama sa kalikasan. Dahil dito, naging adbokasiya na ng ilang grupo ang pagtuturo sa mga kababaihan lalo na ‘yung mga nasa mahihirap na komunidad ng paggamit ng menstrual cups. Inalam ni Vonne Aquino kung ano ito at ang mga benepisyo sa kalusugan ng kababaihan at kalinisan ng kapaligirang dulot ng paggamit ng menstrual cups.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.
English:
AMPON
According to the Department of Social Welfare and Development or DSWD, from 2009-2019, more than seven thousand children have been enlisted for adoption. But the process is long and tedious, not to mention expensive. Thus, there are couples who choose to adopt without going through the legal process. Saleema Refran looks into the country’s adoption process in her report.
DALAW
The use of disposable sanitary napkins during one’s period is common among Filipinas. It’s practical, disposable and hassle-free. But the use of sanitary napkins has an impact on the environment. For this reason, several groups want to change this practice among women: they are advocating the use of silicone, reusable menstrual cups instead of disposable sanitary pads. Vonne Aquino finds out the benefits of using these hygienic and environment-friendly menstrual cups.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the latest issues together with the new generation of reporters this Tuesday, 8:00pm in Brigada.