Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fact or Fake: U.S. Visa application myths


BRIGADA

November 19, 2019

8 pm sa GMA News TV

PROJECT SOW

Libu-libo na ang buhay na nawala sa kalagitnaan ng giyera kontra droga ng pamahalaan. Ang naiwang resulta nito, mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng mga natokhang at naging target ng mga operasyon ng pulisya. Ayon sa human rights group na Phil Rights, isa sa dalawang biktima ng EJK o extrajudicial killing ay breadwinner o siyang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya. Kaya naman malaking tulong ang biyayang hatid ng Project SOW o Solidarity with Orphans and Widows na nagbibigay ng libreng pagsasanay para sa dagdag kabuhayan ng mga pamilya ng EJK victims tulad ng pananahi ng mga basahan at bag. Nasaksihan ni Kara David mismo kung paano natutulungan ng Project SOW na bumangon ang mga naulila sa giyera kontra droga.
 


??PINOY SERBESA

Gumagawa ng pangalan ngayon ang mga Pinoy craft beer dahil sa kakaiba at swabeng lasa nito na patok sa panlasa hindi lang ng ating mga kababayan kundi pati na ng mga banyaga. Nakita ng ilang Pinoy craft brewers na magandang paraan din ito na mas maipakilala ang kultura at tradisyon nating mga Pilipino sa pamamagitan ng panlasa. May ilang craft beers kasi na halaw sa karakter sa kwentong bayan tulad ng mga kapre't tikbalang, pati na ng mga putahe tulad ng adobo na walang dudang tatak-Pinoy talaga. Nakitagay si Chino Gaston para matikman ang ilan sa mga maipagmamalaki nating Pinoy craft beers.
                                                                                                      ??

 FACT OR FAKE: U.S. VISA APPLICATION MYTHS


Pangarap mo bang mag-sightseeing sa New York? Mag-surfing sa Hawaii? O mamasyal sa Las Vegas? Magagawa mong lahat ng iyan kung malalampasan mo ang unang hakbang tungo sa iyong travel goals -- ang makakuha ng U.S. travel visa! Pero totoo nga bang pahirapan ang pagkuha nito dahil dapat may daang libong piso ka sa iyong bank account, o kaya naman ay mahusay sa English para lang ma-approve? Hihimayin ni Joseph Morong ang ilan sa mga pinaka-popular na U.S. visa application myths.??
 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.