Fact or Fake: Facts you need to know about African swine fever
BRIGADA
October 8, 2019
8 pm sa GMA News TV
KAYOD MARINO
Malaki ang sakripisyong pinagdaraanan ng mga kababayan nating marino. Bukod sa bigat ng trabaho na kanilang binabalikat, araw-araw din nilang tinitiis ang lungkot ng pagkakawalay sa kani-kanilang mga pamilya.
Nagagawa nilang tiisin ang lahat ng ito para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sakay ng isang pampasaherong barko, naranasan ni Cedric Castillo kung paano nga ba ang buhay ng isang marino.
ANDRES DE SAYA?
Nilikha ang RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act na naglalayong maprotektahan ang mga kababaihan at kabataan laban sa mga mapang-abusong haligi ng tahanan.
Pero isang pag-amiyenda sa batas na ito ang isinusulong na nais magbigay din ng proteksyon para naman sa mga kalalakihang nagiging biktima din daw ng pananakit ng kanilang mga asawa. Inalam ni Oscar Oida kung nararapat pa nga ba ang pagsusulong ng panukalang batas na ito.
FACT OR FAKE: FACTS YOU NEED TO KNOW ABOUT AFRICAN SWINE FEVER
Labis na apektado ngayon ang ilang magbababoy sa bansa dahil sa patuloy na pagkalat ng African Swine Fever o ASF, isang lubhang nakahahawang sakit sa mga baboy na nagreresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito. At kasabay ng pagkalat ng virus nito ang paglaganap din ng maling impormasyon tungkol sa sakit na ito. Posible nga bang mahawa ang tao kapag nakakain ng baboy na namatay sa ASF?
Totoo nga bang maaring kumalat ang virus sa pamamagitan ng mga taong may contact sa mga baboy na may ASF? Aalamin ni Joseph Morong kung ano nga ba ang facts na dapat nating malaman tungkol sa African swine fever.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento't bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.
English version:
KAYOD MARINO
“Kayod marino” is a term that best describes hardworking Filipino seafarers --- they do backbreaking labor and sacrifice being away from their loved ones so they could provide them with better future. Cedric Castillo joins seafarers, including women, as they show him what it takes to be earn the title, “kayod marino”.
ANDRES DE SAYA?
RA 9262 or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act was created to protect women and their children from abusive partners. An amendment to this law was recently proposed to include protection for men who claim to be victims of abusive wives or partners. Is there a need to amend the said law? Oscar Oida looks into the proposed bill.
FACT OR FAKE: FACTS YOU NEED TO KNOW ABOUT AFRICAN SWINE FEVER
Amid the spread of the African Swine Fever or ASF, a deadly viral swine disease, a lot of false information can be seen circulating online. Joseph Morong sheds light on the facts of about ASF and what consumers should know before buying pork meat.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the latest issues together with the new generation of reporters this Tuesday, 8:00pm in Brigada.