Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Aeta Squadron 30, kilalanin sa 'Brigada'


“Mga Limot na Bayani ng World War II”
July 9, 2019
8 pm sa GMA News TV

Courtesy: Bamban Museum

AETA SQUADRON 30

Sa halip na mga baril at kanyon, mga pana at likas na kaalaman sa kagubatan ang naging armas ng isang tropa na nakipaglaban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig -- ang Aeta Squadron 30. Binubuo ng mga katutubong Aeta, malaki ang naging tulong ng grupong ito para masugpo ang puwersa ng mga Hapon na sumugod sa kabundukang bahagi ng Bamban, Tarlac. Mahigit pitong dekada na ang nakalilipas, tila nabaon sa limot ang naging kontribusyon giyera ng Aeta Squadron 30 dahil mailap pa rin para sa karamihan sa kanila ang karampatang pagkilala at mga benepisyong natatanggap ng iba pang mga beteranong naging katuwang nila sa pakikipaglaban.

FEMALE SPIES

Courtesy: Ben Montgomery

Malakas din ang naging pwersa ng mga Hapon sa Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit sa tulong ng mga espiya, mas madaling nabuwag ng mga sundalong Amerikano ang kanilang hanay sa ilang lugar. Ilan sa mga espiya noong digmaan ay mga babaeng buong tapang na ginampanan ang kanilang misyon para sa kalayaan ng bayan.

Partikular na napakahalaga ng naging tulong ng tinaguriang “leper spy” na si Josefina Guerrero. Dahil kasi sa taglay na kondisyon, kusa siyang iniiwasan ng mga sundalong Hapon, kaya naman madali siyang nakakapasok sa iba’t ibang mga lugar para mangalap ng impormasyon at makapag-abot ng mahahalagang mensahe sa mga kakamping pwersa.

Sa lalawigan naman ng Pampanga, puspusan din ang naging operasyon ng grupo ng mga gerilya na kung tawagin ay Hukbo ng Balen. Mahalaga rin ang naging papel ng ina ni Erlinda Manalo na si Christina David na isang miyembro ng hukbo.  Dahil nagtitinda malapit sa kampo ng mga Hapon, nakatulong siya na makakalap ng mahahalagang impormasyon para sa hukbo.

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.

Tags: brigada