Dialysis centers, namemeke ng PhilHealth claims?
Brigada
June 18, 2019
8 pm sa GMA News TV
PHILHEALTH
Kasunod ng mga naglutangang kaso ng “ghost patients”, muli na namang nababatikos ngayon ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Nadikubre raw kasi na may dialysis center na nagtatala ng mga pasyenteng namatay na subalit nakakakuha pa ng mga benepisyo mula sa PhilHealth. Isa pang impormante ang humarap sa Brigada at isinawalat team para ibulgar ang nangyayaring anomalya raw sa PhilHealth.
BASURA SA BULACAN
Bundok-bundok na mga nilalangaw at inuuod na basura ang naipon sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Bulacan. Sa pamilihang bayan ng Bulakan, Bulacan halimbawa, maraming tindera na ang apektado ang kanilang hanapbuhay dahil sa mga nakatambak na basurang nagkalat sa paligid ng palengke. Inalam ni Mariz Umali ang puno’t dulo ng umaalingasaw na problemang ito.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Martes, alas-otso ng gabi sa iisang Brigada.