Bakya, bakya saan ba nagsimula?
BRIGADA
JUNE 4, 2018
8 pm sa GMA News TV
BAKYA
Bago pa man dumating ang mga Kastila, bakya ang pangunahing sapin sa paa na ginagamit nating mga Pilipino. Gawa sa kahoy na nagtataglay ng natatanging mga disenyo, maituturing itong yamang maipagmamalaki ng ating bansa. Pero unti-unti itong nalimutan dahil sa paglaganap ng mga makabagong tsinelas at sapatos, at dahil na rin sa pagkakaugnay sa pangalan nito sa pagiging baduy. Inalam ni Nelson Canlas ang kasaysayan ng bakya at kung paano ito muling binubuhay para kilalaning pambansang sapin sa paa ng Pilipinas.
BALIK-TANAW
Daan-daang mga istorya ng pagsubok at pagpupunyagi ang naitampok ng Brigada sa nakalipas na walong taon. Kabilang na rito ang mga kwento ng mga kabataang maagang namulat sa hirap ng buhay at patuloy na nagsusumikap para sa isang mas maginhawang hinaharap. Kasama si Victoria Tulad, babalikan ng Brigada ang mga istoryang hindi lang umani ng parangal sa loob at labas ng bansa, kundi naging daan din para makatulong sa mga batang nagpapamalas ng hindi matatawarang determinasyon sa buhay.