Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bagong Senado, tinutukan sa 'Brigada'


BRIGADA

May 21, 2019

8 pm sa GMA News TV

BAGONG SENADO?

Ilang araw na lang, ilalabas na ang hatol ng sambayanan kung sino sa senatorial candidates ang maluluklok sa pwesto. Sa partial and official results ng COMELEC, karamihan sa top 12 sa pagkasenador ay masasabing kaalyado ni Pangulong Duterte.  Dahil dito, marami ang nagtatanong: mapapanatili pa kaya ng Senado ang  kanyang independence?  Inalam yan ng ating Ka-Brigada at Stand For Truth mobile journalist na si Shai Lagarde.

MUNDO NG PERYA

Hindi raw kumpleto ang kabataan kung hindi naranasan ang makulay at masayang mundo ng perya. Pero para sa 16 anyos na si Bryan, napagdesisyunan niyang magtrabaho dito bilang peryante. Sa lugar ding ito, nakita niya ang pag-asang tutulong tumupad sa kanyang mga pangarap. Kinilala ni Lala Roque ang peryanteng patuloy na nagbibigay ningning sa naglalahong ilaw ng perya.

Tags: brigada