Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Epekto ng inflation sa presyo ng mga bilihin, tatalakayin sa ‘Brigada’


BRIGADA
August 14, 2018
8 pm sa GMA News TV

PINAGPALANG GATAS



Tuwing Agosto ginugunita ang National Breastfeeding Awareness Month, kung saan nilalayong mas maipalaganap ang importansya ng pagpapasuso hindi lang para sa mga ina kundi para na rin sa kanilang mga supling. Sa mahigit dalawang dekada nang naipapatupad ng RA 7600 o The Rooming-In and Breastfeeding Act of 1992, may nagbago nga ba pagdating sa pananaw ng mga Pilipino pagdating sa pagpapasuso? Sinuri din ni Lala Roque kung anu-ano pa ang mga nasasaklaw ng batas at programa ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng breastfeeding.




INFLATION



Sa pinakahuling tala, pumalo na sa 5.7% ang inflation rate sa bansa -- pinakamataas sa loob ng limang taon. Pero hindi lang ito basta lang numero para sa pangkaraniwang pamilyang Pilipino, kundi indikasyon din ng mas paghihigpit ng masikip nang sinturon pati na ng pagpiga sa manipis nang budget dahil sa kaakibat nitong pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Inalam ni Mav Gonzales ang pulso ng mga ordinaryong mamamayan sa mga pagbabagong nararamdaman natin sa ating ekonomiya sa kasalukuyan.