Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Brgy. Ginebra sa 'Brigada'


Brigada
Tuwing Martes na, 8PM, simula Pebrero 18
2014 New York Festivals Finalist
February 18, 2014
8 PM, GMA News TV-11

 
BRGY. GINEBRA
 

Nabuhay na naman ang dugo ng Baranggay Ginebra dahil muntik-muntikanan na itong makapasok sa PBA Finals. Naunsyami man ang kanilang pagkapanalo, muli na namang nadama ng sambayanan ang lakas ng hukbo ng kanilang fans.  Dekada na ang binibilang ngunit bakit nga ba ganun pa rin katibay ang suporta sa naturang koponan?  Sa ulat ni JP Soriano, na isa ring Ginebra fan, kinilala niya hindi lang ang mga Ginebra players noon hanggang ngayon, pati na rin ang mga never say die nitong mga tagahanga.
 
KATAY KALABAW



Sa laki ng demand sa carabeef o karne ng kalabaw, nagkakaubusan na raw ng mga kalabaw sa Pangasinan.  Dahilan para ipagbawal na ang pagkakatay ng ilang kalabaw. Tumungo mismo si Mav Gonzales sa Pangasinan para suriin kung paano maapektuhan ng kautusang ito ang mga katayan doon ng kalabaw. Inalam din ni Mav kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para masagip ang kumokonting bilang ng mga kalabaw.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan tuwing Martes na, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama… sa iisang Brigada!