Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Delubyo: A 'Brigada' Special



Ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas sa taong ito. Ngayon pa lang, tinataya ng ilang mga awtoridad na hindi malayong aabot sa sampung libo ang namatay sa Tacloban, Leyte pa lang.  Kung nagkataon, ito ang pinakamalalang trahedya na tumama sa kasaysayan ng Pilipinas.   
 
Sa espesyal na pagtatanghal ng Brigada, sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho at sa mga ulat nina Lala Roque, Tricia Zafra at Micaela Papa pakinggan natin ang kwento ng mga naipit at naging biktima ng delubyo.