Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Sigalot sa Sabah, isyung binantayan sa 'Brigada'


Brigada
Sigalot sa Sultanato, Budol-budol at Escolta-ra!
Airing Date: March 11, 2013

SIGALOT SA SULTANATO



Patuloy pa rin ang nagaganap na krisis sa Sabah, Malaysia kung saan dumadanak na ang dugo sa pagitan ng sandatahan ng Malaysia at ng mga tauhan ng Sultan ng Sulu na nais bawiin ang kanila diumanong teritoryo. Inalam ni Sherrie Ann Torres ang masalimuot na kuwento sa likod ng sigalot na ito at kinilala ang iba pang mga nagpapakilalang Sultan ng Sulu.

BUDOL-BUDOL



Matagal ng modus ang budol budol kung saan ninanakawan ng mga kawatan ang mga biktima. Pero ang pinaka-target daw ngayon ng mga budol budol gang sa Cavite, mga matatandang babae. At hindi lang nila ito ninanakawan, pinapatay pa nila ito! Inimbestigahan ni Julius Segovia ang sistema sa likod ng modus na ito at kung paano mapoprotektahan ng publiko mula rito.

ESCOLTA-RA!



Escolta ang sentro ng komersyo noon sa Maynila. Pero sa paglipas ng panahon, napabayaan ito. Ang mabuting balita, sa pagpasyal doon ni Dano Tingcungco natuklasan niya kung paanong binubuhay ang dating sigla ng Escolta.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi, dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!