Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Biyahero Drew discovers Samal Island, Davao del Norte!
BIYAHE NI DREW: SAMA NA SA SAMAL ISLAND, DAVAO DEL NORTE
Sunday, August 27, 2023
8:15 PM GTV
Panalong bakasyon sa loob lang ng isang araw? Puwede iyan sa Samal Island sa Davao del Norte. Napakadaling puntahan dahil ilang minuto lang ang biyahe mula sa Davao City.
Perfect ito para sa mga nais mag-relax dahil puwedeng mag-chill lang sa tabing dagat sa mga resort na matatagpuan dito.
Handog din nila sa mga biyahero ang kanilang matamis na mangga. Pero matutuwa rin kayo sa napakaraming produkto nila mula sa mangga. Isa na rito ang tinatawag na mango leather.
Nasubukan niyo na bang pumasok ng kweba mula sa ibabaw? Isang challenge ang haharapin ni Byahero Drew dahil kailangan niyang mag-rappel papasok ng Tamburong Cave. At, isang barangay naman ang kailangang maghatak sa kanya palabas ng kweba!
At makikila niya na rin ang first certified freediver mula sa Sama tribe na si Imam Gulisan. Exciting ang underwater adventure ni Biyahero Drew dito.
Abangan ang mga iyan at marami pang iba sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:15 PM sa GTV!
More Videos
Most Popular