Beat the summer heat in Zambales!
BIYAHE NI DREW: SALUBUNGIN ANG SUMMER SA ZAMBALES
Sunday, March 20, 2022
8:30 PM GTV
Panahon na ng tag-init kaya siyempre doon tayo sa beach, biyaheros! Bibigyan tayo ng kakaibang summer adventure ni Biyahero Drew sa Zambales.
Kagaya lang ng magkakaibang tuluyan na matatagpuan dito. Jacuzzi by the beach ba ang hanap n’yo? O Bali inspired huts? Mayroon ding resort kung saan welcome ang inyong fur babies!
Puwede rin kayo maglaro sa buhangin gamit-gamit ang mga ATV!
Matatagpuan sa bayan ng Cabangan ang Nagbobotilya River na napakalinaw ng tubig!
Makikilala rin ni Biyahero Drew ang mga lokal na gumagawa ng Zambales delicacies na cascaron at patupat.
Tuloy-tuloy lang ang adventure sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!