Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew explores Digos, Davao del Sur!


BIYAHE NI DREW: DISCOVERING DIGOS DAVAO DEL SUR
Sunday, March 13, 2022
8:30 PM GTV

      
Ngayong Linggo, sabay-sabay nating puntahan ang bayan ng Digos sa Davao del Sur! Isang bayang tanaw ang ganda ng Mount Apo, ang pinakamataas na bulkan at bundok sa Pilipinas.

 


Kahit nasa beach, makikita pa rin ang ganda ng Mount Apo. Sa Dawis Beach, hindi lang view ng Mount Apo ang pinupuntahan dito. Pati na rin ang skimboarding!

 


Para naman sa mga naghahanap ng relaxation, nariyan ang Wine Woods Apo Resort kung saan puwedeng subukan ang kanilang wine bath!

 


Mamangha naman sa naglalakihang sculpture ni Kublai Millan sa kanyang Kublai Art Garden.

 


Siyempre, hindi nagkukulang ang Digos sa mga puwedeng kainin. Ang kilalang prutas ng Davao na durian, ginawan nila ng iba’t ibang sweet treats kagaya lang ng durian pie!

 


Kapag mainit na sabaw naman ang hanap, puwedeng pagpilian ang balbacua o bulcachong ng Davao del Sur.

 


At, susubukang gawin ni Biyahero Drew ang nilupak ng Digos. Maging katakam-takam kaya ang gawa niya?

 


Tuloy-tuloy lang ang adventure sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!