Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew goes to Batangas!


BIYAHE NI DREW: BATANGAS PA MORE!
Sunday, March 6, 2022
8:30 PM GTV

     
Ngayong Linggo, hatid ni Biyahero Drew ang iba’t ibang kakaibang puntahan at kainan sa Batangas na may bonus view ng Taal Volcano!

 


 

Para sa nature lovers, Ambon-Ambon Falls ang bagay sa inyo. Mala-higante ang taas ng waterfalls na ito na madali lang puntahan. Bata o matanda man, kayang-kaya!

 


 

Kakaibang mga halaman at puno naman ang mayroon sa bayan ng Talisay. Nakakita ka na ba ng puno ng niyog na mas mababa sa iyo?

 


 

Bigatin naman ang hinahain ng Burgers Ahuy Laurel. 27 inches lang naman ang sukat nito. Pasok para sa buong barangay!

 

 

 

Kung mahigit 50 years na ang isang kainan, siguradong masarap ang binabalik-balikang pagkain dito. Katulad lang ng loming Batangas ng 3Ms Canteen!
Sa bayan ng Agoncillo matatagpuan ang Villa Jovita kung saan puwedeng mag-relax ang buong pamilya. Makakapag-uwi pa kayo ng napakaraming IG-worthy photos.


 

Tuloy-tuloy lang ang adventure sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!


-----

Drew Arellano explores the cities surrounding Taal Volcano and the many tourist destinations here. One of which is the Ambon-Ambon Falls that’s accessible to any tourist. He also samples the KingKong burger that measures 27 inches in diameter.