Biyahero Drew revisits the province of Apayao!
BIYAHE NI DREW: PAGDAYO SA APAYAO
Sunday, February 20, 2022
8:30 PM GTV
Isang kakaibang biyahe na naman ang mararanasan ni Drew Arellano sa pagpunta niya sa Apayao!
Tinaguriang “Cordillera’s Last Frontier of Nature’s Richness” ang Apayao. Dito, makikilala ni Drew ang mga Isnag, isa sa mga natitirang tribo sa Norte. Bukod sa kanilang tradisyunal na sayaw, ituturo rin ng tribo kung paano magluto ng paborito nilang sinursur na gawa mula sa igat o eel.
Sa bayan ng Conner naman, bibisitahin ni Drew ang isang fruit farm kung saan niya mararanasang mag-ani ng cacao at lansones.
At sa bayan ng Luna, papasukin ni Drew ang Lussok Cave na may underground river din na maikukumpara raw sa underground river ng Palawan.
Sama na sa Apayao sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!
-----
Drew Arellano visits Apayao, also known as the “Cordillera’s Last Frontier of Nature’s Richness, where he meets the Isnag Tribe, learns about the ancient custom of lapat, and picks cacao and lanzones at a local fruit farm.