Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew goes on a Christmas trip!


BIYAHE NI DREW: PASKONG PAANDAR!

Sunday, December 19, 2021
8:30 PM GTV

  
Malapit na ang Pasko at kung minsan, tila pare-pareho na lang ang ating selebrasyon. Huwag mag-alala, biyaheros, dahil sa Linggo, Christmas with a twist mula sa iba’t ibang probinsiya ng bansa ang handog ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew.

Uumpisahan ni Drew ang selebrasyon sa isang art installation sa isang mall sa Quezon City na kikiliti sa imahinasyon. Ang makulay na interpretasyon nila ng Christmas decors, mala-alien ang dating!

 


 


Sa Pasay City naman, drive thru ang pasyalan sa halos isang milyong ilaw ang mayroon dito! Siguradong busog sa tuwa ang mga bata at safe pa sila!

 


 


Sa Lipa City, ang sangkatutak na pailaw at multicolor dancing fountain ang dinarayo. Sa Binangonan, Rizal, ang Christmas tree na gawa sa recycled trash ang bida. At sa Lucban, Quezon, isang bahay na may hindi na mabilang na dekorasyon ang sentro ng atensiyon. At may pasabog na pang-Miss U ang tinatawag na dahon queen ng Romblon!

 


 


 


 


Nariyan din ang mga handog ng Cebu para sa ating mga Noche Buena. Matakam sa Christmas wreath na puwedeng kainin! At ano kaya ang paandar nila sa kanilang kay sarap na lechon?

 


 


Mula naman sa Davao, ang durian, binigyan ng sosyal na twist! Dayuhin din ang all year round na Christmas house nila!

 


 


Kaya huwag palampasin ang isang kakaibang Pasko sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30 PM sa GTV.

-----

Biyahe ni Drew goes around the Philippines to meet Filipinos who celebrate Christmas in their own unique way. Featuring an art installation in a mall, Christmas trees made of recycled trash, a house with countless decors, and dishes that remind us of the holidays, the episode focuses on celebrating Christmas with a twist.