Explore Nagcarlan, Laguna with 'Biyahe ni Drew'
BIYAHE NI DREW: Nakakaenganyong Nagcarlan
Friday, August 27, 2021
6PM GTV
Kapag may pagkakataong bumiyahe ulit, samantalahin na kahit sa malapit lang! Sa ngayon, sagot kayo ni Biyahero Drew Arellano sa pagbiyahe niya sa Nagcarlan, Laguna!
Dating gateway lang papuntang ibang probinsiya, ang Nagcarlan ngayon ay unti-unti nang nakikilala. Sa paglilibot ni Drew, madidiskubre niya ang hidden treasures ng probinsiya, tulad ng nag-iisang underground cemetery sa Pilipinas na ginawa pa noong 1845.
Kilala rin ang Nagcarlan bilang Vegetable Bowl of Southern Tagalog. Kaya naman naging popular na ang Agri Tourism tulad ng organic farms na may sistemang Pick and Pay. Dito, matitikman ni Drew ang tinolang ulikbang manok o native chicken, pati na ang menudong Nagcarlan o gulay version ng menudo at ang smokey flavor ng kulawong puso ng saging na gamit ang sunog na kinayod na niyog para sa gata.
Pag dating sa pasalubong, sagana riyan ang Nagcarlan. Sikat dito ang Turkish Delight o kendi na gawa sa harina, asukal, food coloring, at flavored syrup. Nariyan din ang kakaibang Tikoy sa Tukol na gawa naman sa malagkit, gata, asukal, at gatas. At siyempre, hindi dapat mawala ang biskwit na paborito ng mga Pinoy, ang paborita!
Huwag magpaiwan! Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV.
---
Drew Arellano explores Nagcarlan, Laguna and discovers its many treasures, including an underground cemetery built in 1845, classic Nagcarlan dishes such as kulawong puso ng saging and menudong Nagcarlan, and the all-time favorite pasalubong, paborita biscuits.