Balik Biyahe sa DRT, Bulacan!
BIYAHE NI DREW: Balik Biyahe sa DRT, Bulacan!
Friday, July 16, 2021
6PM GTV
Ngayong balik na tayo sa GCQ, puwede na rin tayong bumiyahe ulit. Let’s travel with a purpose sa DRT, Bulacan.
Ops, bago ang lahat, titiyakin ni Drew at ng BND Team na susunod sila sa safety protocols. Hindi pa rin nawawala ang COVID-19 kaya doble ingat pa rin dapat sa biyahe.
Ang DRT o Doña Remedios Trinidad sa Bulacan ay malapit pero may promise of adventure! Dito, first time mapupuntahan ni Drew ang Thirteen Falls na ipinagmamalaki ng Barangay Camachin. Ang pagpunta rito ay may kaunting lakad at merong ding konting sakay sa 4 X 4 kaya the best of both worlds 'ika nga. Sa Sitio Armstrong naman, may bagong destinasyon para sa mga mahilig sa caving. At sa Kabayunan, masisilayan din ni Drew ang pamosong Sea of Clouds.
At mawawala ba ang kainan sa biyahe? Siyempre hindi! Lalantakan ni Drew ang buho at binalukawan--ilan lang sa mga putaheng may kakaibang pangalan pero pamilyar na lasa.
Biyahe na ulit with extra ingat sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV!
ENGLISH PR
At last we can start travelling again! But with the necessary safety precautions of course. This Friday, Drew Arellano explores DRT or Doña Remedios Trinidad in Bulacan for a bit of adventure and some good eats. The highlight of his trip is the Thirteen Falls, a true wonder of nature. He then treks up Kabayunan to see the Sea of Clouds, and gets a taste of two dishes with very unappetizing names--buho and binalukawan.