Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Experience the best of Bicol with 'Biyahe ni Drew'


BIYAHE NI DREW: Best of Bicol
Friday, July 2, 2021
6 PM GTV


Sino nga ba ang hindi nasasabik sa Kabikulan? Para sa mga nangangati na ang mga talampakan, para sa inyo ang Biyahe ni Drew sa Biyernes.

 

 

 


Iba't ibang lugar at activity para sa iba't ibang hilig. Sa mga may hilig sa watersports, pwedeng makipaghabulan sa mga alon ng Bagasbas Beach na tinaguriang Surfing Capital ng Bicol Region. Para naman sa mahilig sa land adventure, puwedeng sumabak sa ATV adventure ride sa Mount Mayon, o kaya sumubok sa zipline ng Bacacay.

 

 


At mawawala ba ang kainan sa Bicol? Kaya naman luwagan na ang sinturon dahil mapapasabak kayo sa Bicol eats gaya ng pinangat ng Camalig at palawan ng Sorsogon.

 


Bicol region, isa sa mga biyahero destinations na hindi ka bibiguin.  Kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV! 
                                                    

-----

Biyahe ni Drew's next destination is Bicol Region where one can ride the waves of Bagasbas Beach, go on an ATV ride up to Mayon's Lava Wall, and eat as much Bicolano delicacies as one desires.