Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Beach goals in San Juan, Batangas with 'Biyahe ni Drew'
BIYAHE NI DREW: Beach Goals sa San Juan, Batangas
Friday, February 5, 2021
5:45 PM GMA News TV
Kung kating-kati na kayong bumiyahe, dapat huwag lalayo. Kaya sa Biyernes, tamang-tama ang biyahe ni Drew sa San Juan, Batangas.
Sa Laiya Adventure Park, adventure ang highlight ng biyahe. Bukod sa wall climbing, rapelling, at aerial walk, meron ding 30-meter zipline na siguradong miss na ng marami!
Mawawala ba ang kainan sa biyahe? Siyempre hindi! Muling titikman ni Drew ang classic Loming Batangas na signature dish ng probinsiya.
At para masunog lahat ng kinain niya, aakyatin ni Drew ang Mt. Daguldol na 624 meters above sea level ang taas!
Siyempre, huwag kalimutang pumasyal sa amazing beaches ng San Juan! Kapag miss mo na ang dagat, sa San Juan ka na pumunta.
Get ready for an amazing trip. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 5:45PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Drew Arellano revisits San Juan, Batangas and explores an adventure park, eats the classic Loming Batangas, climbs 624 meters above sea level to get to the peak of Mt. Daguldol and of course, enjoys its beaches.
Tags: biyahe_ni_drew
More Videos
Most Popular