Treasures of Bukidnon on 'Biyahe ni Drew' this Friday!
BIYAHE NI DREW: Treasures of Bukidnon
Friday, January 15, 2021
10 PM GMA News TV
Labas muna tayo ng bahay at makisabit sa Biyahe ni Drew! Ngayong Biyernes, samahan si Drew Arellano sa paglilibot sa munisipalidad ng Manolo Fortich, Bukidnon!
Tinatawag na Northern Gateway to the Province of Bukidnon ang Manolo Fortich. Sinuwerte ang bayang ito dahil sa elevation at ganda ng klima na tamang-tama sa pagtatanim. Silipin ang iba’t ibang eco-tourism activities sa farm resort dito. Siguradong mayroon kayong magugustuhan at ililista sa inyong travel goals!
For a bit of extreme fun, bibisitahin ni Drew ang giant inflatable adventure park sa Dahilayan kung saan puwedeng magpatalbog-talbog at magsunog ng enerhiya! To cool off, lilibutin naman niya ang Hinelaban Farm na isang magandang ehemplo ng forest conservation at reforestation.
Sagot kayo ng Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10 PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Join Drew Arellano as he explores the Northern Gateway to the Province of Bukidnon, Manolo Fortich! Here, he visits a pineapple plantation, plays inside the biggest inflatable adventure park, and learns about the best practices in forest conservation and reforestation.