'Biyahe ni Drew' goes to Maragondon, Cavite!
BIYAHE NI DREW: Mura, Malapit at Masaya sa Maragondon, Cavite
Friday, December 18, 2020
915 PM GMA News TV
Sa Biyernes, samahan si Drew Arellano sa kaniyang mabilisang biyahe papuntang Maragondon, Cavite!
Mapapasabak agad si Drew sa Balsa River Cruise na parang Loboc River Cruise ang dating. Pagkatapos, isang day tour ang sasalihan niya sa isang farm resort sa tabi mismo ng ilog.
At dahil napapanahon ang nature trips ngayong may pandemiya, bibisitahin ni Drew ang Pantihan Falls na hidden gem ng Maragondon.
Siyempre, may masarap at murang kainan dapat! Siguradong tulo laway kayo sa fried chicken ng paboritong restaurant ng mga taga-Maragondon. Pasok pa sa budget!
Pero bago umuwi, silipin ang mga gawa ng mga taga-Maragondon. Mamangha sa kanilang bamboo products at habing Maragondon!
Sama na sa mabilisang biyahe ni Drew Arellano sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 9:15PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Drew Arellano takes a quick trip to Maragondon, Cavite where he hops on the Balsa River Cruise, indulges in some good ‘ol fried chicken, and enjoys an exhilarating jump from atop Pantihan Falls.