Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Biyahe ni Drew'

Discovering the OGs of San Miguel, Bulacan


Biyahe ni Drew: Discovering the OGs of San Miguel, Bulacan
Friday, January 24, 2020
8 pm on GMA News TV

Umpisahan ang bagong dekada sa pagdiskubre ng mga lugar na halos nasa labas lang ng ating bakuran. Samahan si Drew sa pagbisita niya sa isa sa pinakamakasaysayang probinsiya sa norte, ang San Miguel, Bulacan.

Sa mga kuweba ng Madlum at Bayukbok, mamamangha si Drew sa kagandahang hinubog ni Inang Kalikasan. Bibisitahin din niya ang  Biak na Bato National Park kung saan naganap ang Blood Compact na pinamunuan noon ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Kilala ang San Miguel sa masarap pero deadly nitong produkto—ang chicharon! Makikita ni Drew ang tradisyonal na paraan ng paggawa nito sa Inay Goyena’s na tatlong dekada nang nagpapabusog ng mga Bulakenyo.

Hindi rin palalampasin ni Drew ang mga matatamis na produktong tulad ng pastillas na kahit ang pagbabalot ay isang sining!

Samantala, sisilipin ni Drew ang iba’t ibang accommodation sa San Miguel, lalo na ang kakaibang resort sa gitna ng…bukid?

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

Tags: bnd