Discovering San Agustin, Surigao del Sur on ‘Biyahe ni Drew’
Biyahe ni Drew: Discovering San Agustin, Surigao del Sur
Friday, October 18 2019
8 pm on GMA News TV
Ang hindi pa masyadong nakikitang mukha ng Surigao del Sur ang makikita ni Drew Arellano sa pagpunta niya sa San Agustin!
Siyempre island-hopping ang una sa itinerary. Sa isla ng Hagonoy, hindi mapipigilan ni Drew na lumublob sa napakalinaw na tubig. Sa Boslon Island, watersports naman ang aatupagin niya. At sa Naked Island, picture-taking ang main activity.
Mararanasan din ni Drew ang buhay-magsasaka sa Alameda Farm na isang agri-tourism site. Pero ang pick and pay scheme ang isa sa mga highlights ng pagbisita rito.
Para sa isang di-malilimutang biyahe, dapat matikman ang local dishes! Kaya naman lalantakan ni Drew ang native chicken tinola, sizzling sisig, at siyempre, lobster!
Silipin ang Surigao del Sur na bihirang makita sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Drew Arellano takes a trip to Surigao del Sur’s San Agustin and goes island-hopping, fruit-picking, and food-tripping.