Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' goes to Cagayan


Biyahe ni Drew: Level Up sa Cagayan

Friday, May 31 2019
8 pm on GMA News TV

Paborito ng spelunkers at adventure-seekers ang Cagayan Province. Pero sa Biyernes, it’s time to level up sa Biyahe ni Drew!

Sa Baggao, lalanguyin ni Drew Arellano ang underground river ng Duba Cave. Pero bukod sa swimming, puwede rin ang rock climbing, jumping, trekking, at siyempre, spelunking. At kung tapos ka na, just sit back, relax, at saksihan ang paglipad ng libo-libong paniki palabas ng kuweba.

Hindi rin palalampasin ni Drew ang river trekking sa Blue Waterfalls. At dahil may energy pa, didiretsuhin na niya ang Lipit Canyon para sa isang canyoneering adventure!

Pati sa kainan, level up din. Titikman ni Drew ang aluko, ang kakaibang sahog ng Ilocano classic na dinengdeng. Patok din ang sinanta ng Tugegarao na kadalasang inihahain sa mga lamay. At kapag pinarisan ng sticky rice delicacy na pinakufu, panalo! For the more adventurous foodie, tiyaking tumikim ng mondongo at sikag na pawang mga Cagayanon specialty.

It’s time to level up, Biyaheros! Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!

ENGLISH PR

Drew Arellano goes to Cagayan Province for a different kind of adventure. He first explores the underground river of Duba Cave, before going on a canyoneering ride along Lipit Canyon, and trekking along the Cagayan River to see the Blue Waterfalls.

Tags: biyahenidrew