Exploring Zambales this Friday on ‘Biyahe ni Drew’
Biyahe ni Drew: Sustainable Tourism in Zambales
Friday, March 8 2019
8 pm on GMA News TV
Responsableng biyahero ba kayo? Oo man o hindi, dapat ninyong samahan si Drew Arellano sa Zambales kung saan buhay na buhay ang umuusbong na industriya ng Sustainable Tourism.
Sa Talisayen Cove sa San Antonio, makikita ni Drew ang ipinagmamalaki nilang sistema ng pangongolekta ng basura, pati na ang energy-saving solar-powered batteries na nagpapailaw sa resort tuwing gabi. Sa Liwliwa na napapaligiran ng mga paalala na panatilihing malinis ang lugar, mararanasan ni Drew ang medyo glamorosong istilo ng camping.
Sa Casa San Miguel, makikita niya kung paano ginagawa ang tamang 3 Rs: reuse, reduce, at recycle. Siyempre meron ding patikim ng specialty na Sayong’s Chicken na recipe pa ng lola ng pamilya Bolipata. Sa Hideout naman, matitikman niya ang mga kakaibang putahe na nagpapakita ng pagka-malikhain ng mga taga-Zambales tulad ng kanilang version ng bagoong at burger na gawa sa puso ng saging.
Bago matapos ang biyahe, bibisitahin ni Drew ang isang pottery studio sa San Narciso kung saan matuto siyang gumawa ng iba’t ibang ceramic products. At sa Pundaquit sa San Antonio, isang café na puno ng recycled arts and crafts ang pupukaw sa imahinasyon niya.
Be a responsible traveler sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
Drew Arellano revisits Zambales and learns more about sustainable tourism while going on a glamping holiday, checking out an artist haven, and learning the basics of pottery making.