Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' explores Sicogon Island


Biyahe ni Drew: Sicogon, Iloilo
Friday, February 22 2019
8 pm on GMA News TV

Isang simpleng biyahe na puno ng di-malilimutang karanasan ang handog ni Drew Arellano sa biyahe niya sa Sicogon Island sa Biyernes.

 
Matatagpuan ang isla ng Sicogon sa probinsiya ng Iloilo. Payak ang pamumuhay dito na umiikot sa pangingisda at pagtatanim.
 
Mapapasabak si Drew sa kite surfing na isa sa mga water sports activities sa isla, bukod sa swimming at kayaking. Ayon kay Drew, puwede ring puntahan ng mga mahilig sa adventure ang Tumaquin Island; ‘yun ay kung may lakas at tiyaga kayong mag-trekking na may kasamang rock climbing. Pero ang premyo naman, isang panalong cliff diving experience!
 
 
 
 

Siyempre hindi matatapos ang biyahe ni Drew nang hindi niya nakakasalamuha ang mga taga-isla. Tuturuan siya ng mga ito kung paano gumawa ng mga handicraft na gawa sa nito at cogon.

 
At para makumpleto ang Sicogon Island experience, isang mabilis na island-hopping sidetrip ang gagawin ni Drew sa Tangke Lagoon, Cabugao Gamay Island, at Bantigue Island. Aakyatin din niya ang pinakamataas na bundok ng isla, ang Mt. Upaw.
 
 
 
 
 
 

Sama na sa simple pero makabuluhang Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!


ENGLISH PR

Drew Arellano goes on a simple but meaningful trip to Sicogon Island in Iloilo where he goes kite flying, learns to make the local handicraft made from nito and cogon, and climbs Sicogon’s highest peak, Mt. Upaw.

Tags: biyahenidrew