Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' goes to Ilocos!


 


Biyahe ni Drew: Ilocos 101
Friday, 04 January 2019
8 pm on GMA News TV

Dahil bagong taon na, may mahahanap pa bang bago sa nakasanayan na? Alamin iyan sa muling pagbisita ni Drew Arellano sa Ilocos!



Siyempre, dahil sikat ang Ilocos sa karagatan nito, uunahin na ni Drew ang Santiago Cove at Badoc Island for a relaxing dip.  Pero kung bago talaga ang hanap ninyo, sa Pinsal Falls kayo tumuloy, lalo na kung mahilig kayo sa mataas na talon.



Ilocos is also known for its delicious food. Para kay Drew, not to be missed ang freshly cooked Bagnet siyempre. At ang bago rito, kapag sinamahan ng sawsawang KBL o may kamatis, bagoong at lasuna, perfect!

 

For adventure-seekers, mahahanap ninyo ito sa Narvacan. Akyatin lang ang Via Ferrata o Iron Road sa loob ng 40 minutes, at mag-zipline pababa para sa isang heart-pumping adventure ride. Meron ding paragliding  para sa mas malalakas ang loob.




Bagong taon, bagong biyahe sa nakagawiang destinasyon.  Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!