Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Team building destinations at organic farms sa Antipolo, bida sa 'Biyahe ni Drew!'


 

TITO AND TITA HITS SA ANTIPOLO
Biyernes, September 28, 2018
8 PM on GMA News TV
Ang destinasyon ni Drew Arellano sa Biyernes ay para sa mga titos at titas na ayaw masyadong lumayo ng Maynila. Get ready  to sing “Tayo na sa Antipolo” sa Biyernes sa Biyahe ni Drew.
Isang oras lang mula Metro Manila ang Antipolo. Kaya naman sa paglipas ng mga taon, paborito itong weekend destination ng mga taga-siyudad.
Sa Philip’s Sanctuary na isang eco-adventure mountain resort, may nature villas kung saan puwedeng mag-relax. Pero si Drew at ang Team BND, obstacle courses ang aatupagin.
Sikat ang Antipolo dahil sa mga bar at restaurant. At isa riyan ang klasik na Cloud 9 na naghahain din ng classic Filipino comfort food tulad ng inihaw na baboy, manok, at tuna belly, pati na ang crispy pata at kare-kare. Pero bukod sa pagkain, ang binabalik-balikan din sa resto na ito ay ang view lalo na sa gabi.
Hindi rin palalampasin ni Drew ang Antipolo trip nang hindi dumadaan sa Our Lady of Peace and Good Voyage Church na dinarayo ng mga debotong Katoliko, lalo na ang mga gustong magpa-bendisyon ng kanilang mga sasakyan.  At bago pa matapos ang kanilang biyahe, isang organic farm ang bibisitahin ni Drew kung saan hindi lang puwedeng kumain pero puwedeng-puwede ring magtanim!
Tayo na sa Antipolo! Sama na sa  Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!