Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' goes to Agusan del Norte!


 


Biyahe ni Drew: Agusan del Norte
Friday, 10 August 2018
8 pm on GMA News TV

Balik-Mindanao si Drew Arellano sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes. Ang kaniyang destinasyon, ang probinsiya ng Agusan del Norte.



Isang kakaibang rituwal ng pasasalamat ang sasalubong kay Drew sa komunidad ng mga Mamanwa. Ito raw ang isa sa pinamatatandang grupo ng mga katutubo sa bansa.  Kilala rin sa tawag na Mamanwa Negrito, sinasabing sila ang pinakaunang tao sa Pilipinas.



Sa Jabonga, bibisitahin ni Drew ang Our Lady of Assumption Church na itinayo noon pang 1897.  Sa Jabonga rin makikita ang Lake Mainit na sinasabing pinakamalalim na lawa sa buong Pilipinas na aabot sa 732 feet ang lalim.



Sa Carmen, mangga siyempre ang ipinagmamalaki. Kaya naman sari-saring produkto mula sa mangga ang titikman ni Drew, kasama na ang graham mango cake at mango jam. Isa ring tourist attraction ang pagkadami-daming kuweba sa Carmen—a total of 43 in all!



To cap off his trip, aakyatin ni Drew ang 686 steps papuntang tuktok ng Mt. Pongkay sa Cabadbaran City. Ang highlight dito, ang 360-degree view ng buong bayan!

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!