'Biyahe ni Drew' goes to Eastern Visayas!
Biyahe ni Drew: EASTERN VISAYAS ESCAPE
Friday, July 6, 2018
8 pm on GMA News TV
Kaway-kaway, mga biyaherong Waray! Dahil sa Biyernes, eeskapo si Drew Arellano sa Eastern Visayas. Ang kaniyang destinasyon, sa Samar!
Hindi kasing-matao ng ibang Visayas destinations ang Samar. Kaya dapat samantalahin na ang pagdalaw rito. Uunahin ni Drew ang Borongan kung saan tamang-tama para sa surfing ang mga alon. Mapapasabak naman siya sa kainan sa Catbalogan, home of the famous tamales.
Sa Capul, hahanapin niya ang ba-ay na isang klase ng root crop. Sasama din siyang sumisid ng lato na isa sa pinagkakakitaan ng mga komunidad.
Sa Calbayog, ang mga talon ng Busay ang must-visit! Kaya pupuntahan ni Drew ang apat sa pitong talon na ipinagmamalaki ng tinaguriang City of Waterfalls.
Ihanda na ang sarili sa Great Eastern Visayas Escape! Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!