Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Biyahe ni Drew' goes to Bani, Pangasinan!
It’s more pun in Pun-gasinan! Sa Biyernes, uulanin ng pun-ny jokes ang Biyahe ni Drew sa Pangasinan. Pero bukod diyan, ipakikita ni Drew Arellano kung bakit isa sa paboritong summer destination ang probinsiyang ito.
Sa Bani, isang major attraction ang island-hopping. Unang stopover ni Drew ang Polipol Island kung saan ang paikot-ikot na tubig sa isla ay parang isang whirlpool. Pero for a bit of adventure, sinubukan din ni Drew ang cliff-jumping at snorkelling.
Samantala, kilala ang Pangasinan sa paggawa ng asin. Sa katunayan, dito nanggaling ang pangalan ng probinsiya. Makikilala ni Drew ang ilan sa mga residente ng Bani na nagtatrabaho sa salt farms.
Matitikman din niya ang isa pang produkto ng Pangasinan, ang pakwan! Sa sobrang tamis ng pakwan dito, tinagurian ang probinsiya na Pakwan Capital of the Philippines! Kaya tuwing Pakwan Festival, bidang-bida ang mga produkto at lutuing gawa sa pakwan tulad ng pakwine, palitaw con yema, at tinola sa pakwan.
To cap his trip, papasukin ni Drew ang Nalsoc Cave kung saan makikita nila ang isang secret underground river.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular