Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' goes back to Hokkaido, Japan!


 


This Friday, Drew Arellano goes on a hunting expedition sa isa na namang maaksiyong biyahe sa Hokkaido, Japan.

Isang kakaibang bulaklak na sa Lake Akan lang makikita ang unang pakay ni Drew.  Madalang lang daw ito Makita kaya hahanapin ng Team BND ang frost flower na ito. Makita kaya nila ang kakaibang bulaklak?



Samantala, sa Akan International Crane Observatory, makikita ni Drew ang Japanese red cranes o tancho na maingat na pinangangalagaan sa Hokkaido. Inakala kasi ng mga tagarito na extinct na ang mga tancho dahil sa overhunting. Pero ngayon, unti-unting lumalaking muli ang populasyon ng mga ibong ito.

 


Makikilala rin ni Drew ang mga Ainu, ang mga katutubo ng Japan. Sa Akan Ainu Kotan o Ainu Village, sasalubungin siya ng isang cultural presentation na nagtatampok sa mayamang sining at kultura ng mga Ainu.

 


Para makumpleto ang Hokkaido day out niya, lalantakan ni Drew ang sukiyaki na hinaluan ng malinamnam na Hokkaido beef, pati na ang famous Hokkaido grilled seafood. Pero sa bayan ng Kushiro, hindi na kailangang lutuin ang katte-don o fresh fish topping on steamed rice.

Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.