Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' goes extreme in Bukidnon!


 


There’s always a first time for everything. At sa biyaheng ito, marami niyan! Kaya samahan si Drew Arellano as Biyahe ni Drew goes to Bukidnon.

Land-locked o napaliligiran ng lupa at mga bulubundukin ang Bukidnon. Kaya sagana ito sa mga taniman ng kape, palay at siyempre, ang pinya na kilala sa buong mundo.



Samantala, bibisitahin ni Drew ang komunidad ng  mga Talaandig, ang  katutubong tribo ng probinsiya. Dito, makikilala niya ang artist na si Waway o kilala rin sa tribo bilang Datu Salakup.

 


For adventure-seekers, rekomendado ni Drew ang Dahilayan Adventure Park kung saan puwedeng lumambitin sa roller zipline na kung tawagin ay Python. Nariyan din ang Flying Lizard at The Drop, parehong makapigil-hininga at nakakanerbiyos.

 


Pero ang pinakamatinding gagawin ni Drew for the first time ay ang vertical bivouac sa Kiokong White Rock Wall.

Sa taas na 400 feet above ground, kayanin kaya ng Team BND ang nakakalulang bivouac na ito?

Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.