Quirino Province, dadayuhin sa 'Biyahe Ni Drew'
Biyahe ni Drew: Quirino Province
Biyernes, May 26, 2017
8 pm sa GMA News TV
Biyernes sa Biyahe ni Drew, samahan si Drew Arellano na mamasyal, kumain, at maghanap ng adventure sa Quirino Province!
Umpisa pa lang, sasabak na si Drew sa isang umaatikabong joy ride sa Cabarroguis courtesy of Quirino Motourismo. Umusbong daw ang activity na ito dahil motorsiklo ang isa sa pangunahing transportasyon ng mga taga-Quirino.
Sa Madella, magbababad naman siya sa falls. Sasampolan din niya ang iba’t ibang pambato ng Quirino sa kusina tulad ng dinuguang pato, tilanggit o tilapia na danggit, at ang very healthy dessert na moringga ice cream.
Para matunawan, balik adventure naman ang BND Team. Nariyan ang water tubing at cliff jumping sa Governor’s Rapids, spellunking sa Diamond Cave, at river cruising sa Siitan River sakay ng balasyan o native boat na gawa sa kalantas wood.
For more eats, hindi palalampasin ni Drew ang local favorite na pancit cabagan. Susubukan din niya ang masarap at nakagigising na upland coffee ng Madella at ang tubikoy o pinaghalong tupig at buko pie na naging lasang tikoy.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
ENGLISH PR
On this episode of Biyahe ni Drew, Drew Arellano tries out Quirino Motourismo, goes watertubing along Governor’s Rapids, spellunking in Diamond Cave and river-cruising in Siitan River. He also samples some local delicacies such as pancit cabagan, dinuguang pato, and the healty dessert, moringga ice cream.