Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bondoc Peninsula, ibibida sa 'Biyahe ni Drew'


 


Sa Biyernes, sa hindi pa gaanong sikat na destinasyon ang pupuntahan ni Drew—ang Bondoc Peninsula o BonPen sa Quezon Province.

Kung mga isla ang pag-uusapan, marami niyan ang BonPen. Sa Alibijaban Island, laidback ang vibe dahil bibihira ang mga turista. Kaya simpleng-simple pa rin ang buhay ng mga taga-isla hanggang ngayon. Dito, matitikman ni Drew ang kakaibang corn coffee.


Bibisitahin din ni Drew ang Talisay Beach sa Narciso. Dito matatagpuan ang Bagong Tuklas Caves, ang mga kuwebang tila nakaukit  sa gilid ng mga batuhan. Hindi naman kalayuan sa Talisay, makikita ni Drew ang Napinto Rock Formation na mukha namang pintuan! Mamamangha rin siya sa mga underground cave systems ng bayan ng Mulanay.


At para makumpleto ang biyahe sa isang exotic place, kailangang makatikim muna ng exotic food. Nariyan ang kuray na nahuhuli lang sa bakawan. Meron ding cassava chips na kung tawagin ay Rock and Roll, pati na ang masarap na ang classic favorite na uraro cookies na gawa sa arrow root.


Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
Tags: biyahenidrew