Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Biyahe ni Drew' visits the Verde Island Passage


 


Are you ready to go on a green adventure? Ihanda na ang inyong swimming at diving gear at samahan si Drew Arellano dahil ngayong Biyernes, kulay berde at asul ang biyahe natin sa Verde Island Passage.


Ang Verde Island Passage and karagatang naghihiwalay sa isla ng Mindoro mula sa Luzon. Ito raw ay sinasabing ding isa sa busiest sealanes sa Pilipinas dahil ito ang pangunahing daanan ng mga barkong bumibiyahe mula Maynila papuntang Visayas at Mindanao.  Pero dito rin makikita ang center of the center of marine biodiversity in the world!


Unang destinasyon ni Drew ang Sabang beach na jumpoff papuntang Verde Island at 30 dive spots.  Isa na riyan ang Sabang Wreck kung saan makikita ang ilang luma at sirang bangka na pinalubog para magsilbing artificial reefs.


Kung ang hanap n’yo naman ay para sa barkada o pamilya, Drew recommends White Beach in Puerto Galera.  Nariyan din ang Long Beach kung saan puwede n’yong puntahan ang isang nakatagong kuweba. And for a truly different experience, susubukan ni Drew ang night scuba diving para makita ang mga nocturnal sea creatures.


Para marating ang bahagi ng Verde Island Passage, sisirin ni Drew ang  “Drop Off” na tila isang underwater mountain dahil para itong matarik na bundok na nakalubog sa tubig. Dito, buhay na buhay ang ilalim ng karagatan.


And what’s diving without eating fresh seafoods? Kaya naman lalantakan ni Drew ang fresh catch ng isla, kasama na ang ipas o alimangong ipis! Huwag din daw lampasan ang isang lumang restaurant sa Batangas City kung saan katakam-takam ang kalderetang kambong, crispy ulo ng baboy at ginataang igat.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!